Mahigit P134.3 million na halaga ng gamot at iba pang medical supplies ng Department of Health (DOH) ang expired na o malapit nang mag-expire, ayon sa Commission on Audit (COA).
Nadiskubre ng ahensiya ang kapabayaan matapos i-imbentaryo ang records noong nakaraang taon ng DOH, partikular sa mga Centers for Health Development o CHD.
Ayon sa ahensiya, overstocking ang nakikitang dahilan kung bakit nasayang ang mga gamot at medical supplies, sa kabila ng pagkukulang nito sa iba’t ibang komunidad.
Mga CHD sa Eastern Visayas Center ang naiulat na pinakamaaksaya, kung saan ang nasayang na supplies ay nagkakahalaga ng higit 37 million pesos.
Paglabag ito sa Section 2 ng Presidential Decree 1445 na ipinagbabawal ang pag-aksaya ng government resources.
