PBBM, nangakong palalakasin pa ang suporta sa tropa; paiigtingin ang seguridad sa Mindanao

Muling tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang suporta ng gobyerno sa mga sundalo at sa pagpapatibay ng seguridad sa Mindanao.

Sa pagbisita niya sa Eastern Mindanao Command sa Camp Panacan, Davao City, inupdate siya tungkol sa anti-insurgency operations, maritime patrols, at disaster response ng tropa.

Matapos ang security briefing, nakipagkita rin ang Pangulo sa mga sundalo at nangakong patuloy na susuportahan ang lahat ng military at uniformed personnel.

Kabilang dito ang pagbibigay ng mas modernong kagamitan at karagdagang training para mas mapaigting ang operasyon.

Pinuri rin niya ang mga sundalo sa pagpapanatili ng kapayapaan sa rehiyon, lalo na sa mga lugar na may natitirang banta.

Kaugnay nito, nilagdaan ni Marcos ang Executive Order 107 na magtataas sa base pay at daily subsistence allowance ng mga MUP, na epektibo simula Enero 1, 2026 at ipatutupad nang tatlong yugto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *