Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang inspeksyon ng 1.34-kilometer Bucana Bridge na sumasaklaw sa Davao River.
Sinalubong ang Pangulo nina Mindanao Development Authority Chairman Leo Tereso Magno at Davao del Norte Representative Jose Manuel Lagdameo.
Ang tulay na nagkakahalaga ng P4.34 bilyon ay partly funded mula sa Official Development Assistance ng China.
Pinaalala ni Marcos na ang tulay na ito ay naaprubahan noong July 2022 na nagsimula ang konstruksyon nooong late 2023 at ngayon ay completed na.
Aniya, advanced technology ang ginamit ng mga Chinese contractors kaya’t mabilis itong natapos. sa lamang ito umano sa 4 na major projects o legacy projects na tatapusin sa Davao.
Nagpaabot naman ng pagbati ang Pangulo sa DPWH bunsod ng tagumpay ng proyektong ito. | via Ghazi Sarip
