Guo, nakumpleto na ang medical exam para sa paglipat sa Correctional

Nakumpleto na ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang kanyang medical at laboratory exam sa Pasig City Jail, ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ito ay preparasyon sa paglipat ni Guo sa Correctional Institution for Women (CIW) sa Mandaluyong City kasunod ng kautusan ng Pasig City Regional Trial Court matapos mahatulang ‘guilty’ sa kasong qualified human trafficking.

Ayon sa BJMP, ang pagsailalim ni Guo sa medical procedure ay bahagi ng pre-transfer protocol sa mga akusado bago mai-turnover sa Bureau of Corrections (BuCor).

Pinatawan ng life sentence ang dating alkalde at multang aabot sa P2 milyon kasunod ng hatol sa kanya sa pagkakasangkot sa illegal POGO operations sa Bamban, Tarlac.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *