Klase sa ilang lugar sa Luzon, suspendido dahil sa matinding init!

Ilang lokal na pamahalaan sa Luzon ang nag-anunsyo ng suspensyon ng klase sa Marso 4 (Martes) dahil sa matinding init na inaasahan mula sa PAGASA.
Mga lugar na walang pasok:
📍 Metro Manila:
• Maynila – Lahat ng antas, pampubliko at pribado (alternative learning)
• Quezon City – Face-to-face classes, pampubliko at pribado (Daycare – Senior HS)
📍 Cavite:
• Bacoor – Face-to-face classes, Pre-school – Grade 12
📍 Bataan:
• Abucay, Hermosa, Orani, Samal – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Ayon sa PAGASA, maaaring umabot ng 46°C ang heat index sa Marso 3 at 4. Dahil dito, naglabas sila ng heat index bulletin simula Marso 1 bilang babala sa epekto ng mainit na panahon bunsod ng pagtatapos ng amihan. Ingat sa init, stay hydrated! – via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *