Tumanggi si Davao First District Representative Polong Duterte sa imbitasyon ng Independent Commission for Infrastructure o ICI na humarap sa panel nito.
Matatandaang sinabi kamakailan ni Polong na wala siyang tinatago at bukas siya sa anumang imbestigasyon tungkol sa mga umano’y anomalya sa paggamit ng pondo ng kanyang distrito.
Pero tila nagbago ang ihip ng hangin.
Ani Pulong, wala umanong jurisdiction ang ICI, na kabilang sa executive department, sa katulad niyang mambabatas na miyembro naman ng legislative department.
Hinikayat noong Martes ni Act-Teachers Party-list Representative Antonio Tinio ang ICI na imbestigahan ang 80 umanong anomalous flood control projects sa Davao City na nagkakahalaga ng P4.4 billion.
Dati nang kinwestiyon ng ilang kongresista kung paano nagamit ang P51 billion na pondo ng distrito ni Pulong na inilaan sa lugar noong presidente pa ang kanyang ama.
