PCSO, nag-donate ng 30 AEDs sa LRTA

Inilunsad ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Light Rail Transit Authority (LRTA) ang installation ng Automated External Defibrillators (AEDs) sa lahat ng istasyon ng LRT-2 nitong Martes, December 2.

Ayon kay PCSO General Manager Mel Robles, layon nilang matugunan ang mga emergency situation na ngangangailangan ng AED sa mga pampublikong transportasyon.

Dagdag pa niya, pangarap niya nang magkaroon ng ganitong emergency response noong siya pa ang nakaupong LRTA administrator.

Aabot sa 30 AEDs ang idinonate ng PCSO sa LRTA bilang dagdag kagamitan sa rail sector.

Ayon kay GM Mel, ito ay para magkaroon ng kapanatagan ang mga mamamayan na mayroong emergency response na makapagliligtas ng buhay sa ating mga biyahero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *