Bumagsak kahapon ng tanghali ang Makilo Bailey Bridge sa Barangay Bugnay, na nagdulot ng matinding abala sa mga motorista at sa pagbiyahe ng mga produktong agrikultura sa Kalinga–Bontoc road system.
Isa ito sa pangunahing ruta papuntang Bontoc via Tinglayan.
Ayon sa Kalinga Disaster Risk Reduction and Management Office, agad na ipinasara ang buong kalsadang papunta sa tulay matapos ang insidente.
Apat na araw bago ang pagbagsak, nagbabala na ang mga opisyal ng Mountain Province tungkol sa “imminent danger” sa pagtawid dito dahil sa ilang nakitang problemang estruktural.
Nagpadala na ng mga imbestigador upang alamin ang sanhi ng pagbagsak at tukuyin kung paano maisasaayos ang nasirang tulay.
Pinayuhan din ang publiko na umiwas muna sa lugar habang nagpapatuloy ang inspeksiyon.
Walang naiulat na nasaktan sa insidente. | via Allan Ortega
