Hinihikayat ngayon ng gobyerno ang mga OFW na tumulong sa paghahanap kay Zaldy Co, ang dating mambabatas na sangkot umano sa isyu ng ghost flood control projects.
Ito’y sa kabila ng mga hindi beripikadong ulat na namataan si Co ng isang OFW sa Portugal, kasama ang ilang Pilipinong drayber.
Sa isang Palace briefing, nakiusap si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa mga OFW na kuhanan ng picture si Co kapag namataan para mas madaling matunton ito.
Iniimbestigahan din kung may hawak na golden Portuguese visa si Co, isang special accommodation sa mga foreigner na nag-invest sa bansa.
Sangkot umano si Co sa mga anomalyang proyekto kontra baha, partikular ang 290-million peso road dike project sa Oriental Mindoro.
