Malacañang: PBBM naka-monitor sa mga protesta; freedom of expression ng publiko, iginagalang

Nirerespeto ng administrasyon ang freedom of expression ng mga mamamayang Pilipino, basta’t siguruhing mapayapa ang pagsasagawa nito, ayon sa Malacañang.

Sabi ni Presidential Communications Office o PCO Acting Secretary Dave Gomez, naka-monitor si Pangulong Bongbong Marcos sa mga pagtitipon kahapon, November 30, sa iba’t ibang bahagi ng bansa para sa panawagang managot ang mga sangkot sa mga maanomalyang flood control projects.

Nagpasalamat naman ang PCO dahil natapos ang pagtitipon nang payapa at may kaayusan.

Dagdag pa ng kalihim, kaisa sila ng publiko sa kanilang panawagan.

Hindi aniya apektado ang Pangulo sa panawagang magbitiw ito sa pwesto.

Tatapusin umano nito ang kanyang sinimulan.

Samantala, tiniyak naman ni Gomez na marami pang makukulong bago sumapit ang Pasko kabilang ang mga tinaguriang ‘big fish,’ o malalaking opisyales na sangkot sa isyu.

Aniya, mahalaga lamang na mapatibay ang mga ebidensya sa case buildup para masigurong walang makakalusot sa mga ito at mabawi ang kanilang mga ninakaw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *