Tatlo na lang, kumpleto na ang pamamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO ng bagong Patient Transport Vehicles o PTV sa bawat LGU sa buong bansa.
Ngayong Lunes ng umaga, labing-isang PTV ang ipinamigay ng PCSO, sa pangunguna ni General Manager Mel Robles, Chairman Felix Reyes at Directors Imelda Papin, Janet Mercado, at Jennifer Guevara.
Ang mga nakatanggap na bayan ay: Basco, Itbayat, Ivana, Mahatao, Sabtang, at Uyugan sa Batanes; Ilagan, Isabela; San Jose, Nueva Ecija; Tanauan, Batangas; at Compostela, Davao de Oro.
Sa bagong batch na ito, umabot na sa 1,639 ang kabuuang bilang ng PTVs na naipamahagi, at tatlo na lamang makakamit na ng ahensiya ang target na 1,642 na units sa bawat LGU sa buong bansa.
Ang inisyatibong ito ay bahagi ng Medical Transport Vehicle Donation Program, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos.
