Magpapatupad ng malaking bawas-presyo ang mga kompanya ng langis para sa mga produktong diesel at kerosene sa Martes, Disyembre 2.
Inanunsyo ng Shell, Seaoil, Cleanfuel, at Petrogazz na magbabawas sila ng P2.90 kada litro sa presyo ng diesel.
Ang presyo naman ng kerosene ay bababa ng P3.20 kada litro.
Pero ang presyo ng gasolina tatas ng P0.20 kada litro.
Noong nakaraang linggo, bahagyang bumaba ng P0.20 ang presyo ng gasolina, habang tumaas naman ang diesel ng P0.60 at kerosene ng P1.30 kada litro.
