“Walang personalan!” Lahat ng appointees ng PCO, Pinagre-resign

Pinadirekta ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz ang lahat ng presidential appointees sa ahensya na magsumite ng kanilang “unqualified courtesy resignations.”
“Normal lang ito, para may free hand tayo sa pagpili ng mga tao na mapagkakatiwalaan,” ani Ruiz sa isang ambush interview.
Nilinaw niya na walang personalan sa kautusan, pero maraming maaapektuhan. Aniya, susuriin muna ang kanilang performance bago gumawa ng final na desisyon.
Ang utos ay mula kay Executive Secretary Lucas Bersamin, na layuning bigyan ng kalayaan si Ruiz sa pagpapatupad ng kanyang mga polisiya. May deadline ang pagsumite ng resignation hanggang Pebrero 28, 2025.
Si Ruiz ay kakatalaga pa lamang bilang PCO chief matapos magbitiw si Cesar Chavez. – via Allan Ortega | pna.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *