Nasawi na ang isa sa kawani ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 2 matapos itong matabunan ng gumuhong lupa mula sa bundok sa bahagi ng Manila North Road San Juan, Santa Praxedes, Cagayan nitong Biyernes ng umaga, November 28.
Ayon kay Disaster Officer Marlene Miralles, tatlong tauhan ng DPWH ang nagsasagawa ng clearing operations nang mangyari ang landslide.
Kwento pa nito, nakatakbo pa ang dalawa sa kanila nang gumuho ang lupa ngunit inabutan pa rin ang mga ito.
Maswerte namang nakaligtas ang driver ng heavy equipment at isa pang kasamahan nito na patuloy na nagpapagaling sa ospital.
