Sotto to Bato: Kung ‘di o kaya, huwag mo nang hilingin!

Kung ‘di mo kaya, ‘wag mo nang hilingin!

Ito ang patutsada ni Senate President Tito Sotto kay Senador Bato dela Rosa matapos hindi ito magpakita sa Senado para depensahan ang budget ng Department of National Defense (DND) at iba pang ahensya.

Si Bato kasi ang chairman ng Senate committee on National Defense and Security at Public Order and Dangerous Drugs.

Ani Sotto, hindi pa siya kinokontak ni Bato mula pa noong session break ng Mataas na Kapulungan.

Hindi na nagpakita si Bato mula nang umugong ang balita na nag-issue na ng arrest warrant ang International Criminal Court o ICC.

Ito’y kaugnay sa kanyang naging umanong papel sa drug war ni dating Presidente Rodrigo Duterte na nakakulong ngayon sa ICC sa The Hague at nakatakdang litisin sa kasong crimes against humanity.

Katatapos lang ng plenary hearings ng Senado sa budget at inaasahang ipapasok ang amendments sa mga ito sa Lunes, December 1.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *