PBBM, biniro si Mayor Isko na pamunuan ang isang ahensya sa pabahay

Nagbiro si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Huwebes kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na puwede itong italaga bilang pinuno ng National Housing Authority (NHA) o Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Ito ay matapos niyang purihin ang mabilis na pagpapatayo ng panibagong housing project ng lungsod.


“Naiinggit ako sa sinasabi ni Yorme tatlong buwan lang, tapos agad ang housing project na may mahigit 200 units. Sa NHA at DHSUD, pangarap lang ’yan,” ani Marcos.

Hinikayat pa niya si Domagoso na “ikaw na ang bahala d’yan” para mas mapabilis ang mga proyekto.


Ipinagkaloob na ang P1.9-bilyong San Lazaro Residences sa Sta. Cruz, Manila, na may 382 housing units, bawat isa ay may dalawang kuwarto, living at dining area, kusina, at banyo’t palikuran.

May kasama ring public health facility, admin office, function room, outdoor area, at swimming pool.


Maaaring mag-apply ang mga residente ng Maynila at government workers na may salary grade 18 pababa.

Magbabayad sila ng buwanang kontribusyon na P2,000–P3,000, na ibabalik kapag umalis sila sa unit. Sa kabuuang units, 193 ay nakalaan para sa Manila Health Department personnel. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *