Sen. Cayetano, hinamong magbitiw sa pwesto si DOH Secretary Herbosa

Hinamon ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano si Health Secretary Ted Herbosa na mag-resign kung hindi niya matatapos ang cost analysis sa 160 na ospital sa loob ng isang linggo.

Malugod namang tinanggap ni Herbosa ang hamon ng senador.

Kaugnay nito, suspendido ang rules sa 2026 budget deliberations ng Department of Health (DOH) upang makapagtanong umano ang mga senador nang direkta.

Kaugnay nito, tinuligsa ng senador si Herbosa dahil sa pitong taon nang hindi naa-update na PhilHealth case rates.

Nagiging dahilan umano ito ng pagkalito sa mga pasyente hinggil sa usapin ng hospital billing dahil bagama’t “zero billing” ang laging anunsyo ng DOH, hindi naman ito totoo dahil marami pa ring kailangan bayaran.

Tugon naman ni Herbosa na ang zero billing na ito ay para sa indigent patients sa basic o charity wards, normal umano na may babayaran pa rin ang nasa pay o private wards, kahit tumaas umano ang case rates sa ilang karaniwang sakit. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *