P15 milyong pondo ang ilalaan ng Office of the President para sa Baseco Compound hospital sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Pangulong Marcos, humigit-kumulang 20 pasyente ang dumaraan sa President Corazon C. Aquino Hospital araw-araw kaya’t makikita umano ang halaga ng serbisyo nito sa lugar.
Ang ospital ay nasa ilalim ng Manila City Government at nagseserbisyo sa mga residente ng Baseco Compound.
Itinayo ang tatlong palapag na ospital upang tugunan ang pangangailangan ng 80,00 residente ng lugar.
Ito ay may emergency room, digital X-ray, centralized oxygen supply line, at kumpletong departamento para sa maternity, pediatrics, surgery at internal medicine.
Samantala, pinuri ni Marcos ang malakas na koordinasyon sa pagitan ng lokal at pambansang pamahalaan upang higit na mapalakas ang sistema ng pangangalagang pangkalusugan sa lungsod ng Maynila. | via Ghazi Sarip
