Tatlong suspek ang naaresto at isang drug den ang nabuwag sa isang matagumpay na buy-bust operation sa Progreso Village 1, Barangay Vista Alegre, Bacolod City, nitong Nobyembre 26, 2025.
Pinangunahan ang operasyon ng PDEA Regional Office Negros Island Region–Negros Occidental Provincial Office, katuwang ang PDEA Seaport Interdiction Unit at Police Station 7.
Nakumpiska sa operasyon ang siyam na sachet ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na humigit-kumulang 11 gramo.
Narekober din ang buy-bust money, ilang drug paraphernalia tulad ng improvised glass tooter na may residue, disposable lighters, tin foil strip, improvised scooper, mga bakanteng sachet, isang empty cigarette case, at isang pares ng gunting.
Kinilala ang mga naarestong suspek sa kanilang mga alias na sina “Pokloy”, 35; “Inan”, 30; at “Jay”, 36 — pawang mga residente ng Vista Alegre area.
Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11, at 12 ng Republic Act 9165. | via Allan Ortega
