DPWH, suportado ang Pangulo na pauwiin si Co

Sinuportahan ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon ang hamon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay resigned Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co na umuwi ng bansa at harapin ang mga alegasyon laban sa kaniya.

Ayon kay Dizon, ang lahat ay kayang mag-Facebook live ngunit ang mas mahalagang tanong ay kung uuwi ba ito o hindi upang harapin ang Pangulo.

Inihayag ito ni Dizon matapos ang pagsusumite ng DPWH at Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa Office of the Ombudsman ng rekomendasyon sa walong “cong-tractors.”

Sinabi pa ni Ombudsman Jesus Cripsin Remulla na malaking tulong umano ang mga ebidensya mula sa DPWH at ICI laban sa mga Kongresistang sangkot sa maanomalyang flood control projects. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *