P97-B insertions sa 2026 budget, itinanggi ng Kamara

Mariing pinabulaanan ng Kamara ang alegasyon na P97 bilyong insertions sa 2026 national budget.

Kasunod ito ng paratang ni dating House Appropriations Committee Chairperson at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na sinabing may panibago umanong insertions na nagkakahalaga ng P97 bilyon na ipinasok umano ng Pangulo sa 2026 National Expenditure Program o NEP.

Itinanggi naman ito ni House Appropriations Committee Chairperson at Nueva Ecija 1st District Rep. Mikaela Suansing at binigyang diin na wala nang alokasyon para sa local flood control projects ng 2026.

Samantala, sinigurado naman ni Suansing ang pagkakaroon ng open bicam. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *