Matagumpay na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang 538 gramo ng high-grade marijuana o “Kush,” na may halagang ₱807,000, sa pwerto ng Clark, Balibago.
Itinago ang kontrabando sa loob ng parcel ng mga “Labubu” keychains at nanggaling pa ang mga ito sa Hong Kong na nakatakda sana na ipadala sa Biñan, Laguna.
Dumating ang mga parcel noong Sabado,November 15 at na-detect ng BOC ang droga sa isinagawang X-ray Inspection Project (XIP) dahil sa mga nakitang kahina-hinalang imahe.
Nagsagawa rin ang PDEA ng K-9 sniff test nitong Miyerkules, November 19 at napag-alaman na may laman nga itong mga droga.
Samantala, kinumpirma ng PDEA batay sa kanilang chemical test analysis na ang active component na tetrahydrocannabinol (THC) sa nakumpiskang marijuana ay isang mapanganib na uri ng droga sa ilalim ng Republic Act No. 9165. | via Anne Jabrica, D8TV News Intern
