Binaril ang kapitan ng Barangay Tres de Mayo, Digos City, Davao del Sur habang nagla-live ito sa Facebook nitong Martes ng gabi, November 26.
Kinilala ang biktima na si Oscar “Dodong” Bucol Jr., nangyari ang insidente sa garahe ng kaniyang tahanan.
Nakuhaan pa ang ilang bahagi ng kaganapan sa kaniyang Facebook live.
Samantala, rumesponde ang Digos City Police (CPS) sa lugar at naglunsad ng provincial dragnet operationupang mahuli ang salarin.
Sa ngayon, nakatakdang lumikha ng Special Investigation Task Group para tutukan ang imbestigasyon. | via Ghazi Sarip
