Inakusahan ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co si Presidential son at House Majority Leader Sandro Marcos na mayroon din umano itong budget insertions na mahigit P50 bilyon.
Unang inakusahan ng dating kongresista si Pangulong Bongbong Marcos, na may P100 bilyon budget insertions umano para sa 2025 national budget.
Sa inilabas na video ni Co kahapon, sinabi niya na taon-taong may budget insertions si Sandro Marcos mula 2023 hanggang 2025.
Agad naman itong pinabulaanan ng kongresista sa kanyang Facebook post.
Aniya, nais lamang magsulong ng destabilisasyon sa gobyerno ni Co at pinaalalahanan ang publiko na walang kredibilidad ang mga paratang na ito.
Dagdag pa nito, gusto lang umano pabagsakin ni Co ang kasaluluyang administrasyon para maabswelto sa mga kinakaharap niyang kaso.
Giit ni Marcos, hindi journalist o truth crusader si Co kundi isang kriminal na umiiwas sa hustisya.
Matatandaang naglabas na ng warrant of arrest laban kay Co at 15 pang indibidwal na sangkot sa umano’y anomalya sa flood control project sa Oriental Mindoro.
Sa ngayon, walo na sa mga ito ang naaresto. | via Andrea Matias
