Inihayag ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque noong Martes ng gabi na nasa The Hague, Netherlands pa rin siya matapos bumaba mula sa kanyang flight papuntang Austria dahil hindi siya na-clear ng mga doktor na bumiyahe matapos ang isang kamakailang operasyon.
Ayon kay Roque sa isang Facebook Live, pinababa siya mula sa KLM flight KL 1901 nang matuklasan ng airport personnel na may dala siyang medical certificate na nagsasabing “unfit to fly.”
Dapat sana’y Vienna ang kanyang destinasyon bilang asylum seeker, at itinanggi niyang naaresto siya sa Amsterdam.
Nag-post pa siya ng boarding pass matapos kumalat ang balita ng umano’y pag-aresto, na nagpapakitang naka-book siya sa flight papuntang Vienna.
Ito ay kasunod ng anunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kakanselahin ang kanyang pasaporte alinsunod sa utos ng Pasig RTC.
Si Roque ay nahaharap sa qualified trafficking charges kaugnay ng POGO hub na Lucky South 99, na ni-raid noong Hunyo 2024 dahil sa umano’y torture, human trafficking, at scamming. | via Allan Ortega
