Dalawang hinihinalang tulak ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Carmen, Davao del Norte nitong Nobyembre 25, 2025.
\Ayon sa PDEA Regional Office 11, nahuli sina alyas “Dodong” at “Jun” matapos umanong magbenta ng isang sachet ng shabu na may timbang na 25 gramo at halagang ₱125,000 sa isang poseur-buyer.
Narekober din sa operasyon ang 11 pang sachet ng hinihinalang shabu, iba’t ibang laki, na may kabuuang timbang na 550 gramo at tinatayang may street value na ₱4.4 milyon.
Kabilang din sa nakumpiska ang drug paraphernalia at marked money.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | via Allan Ortega
