Ipauubaya na ng Department of Justice (DOJ) sa The Netherlands ang pagpapatupad ng posibleng pag-aresto ng Interpol kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna ng kanyang kahilingan para sa asylum.
Matatandaang sinabi pa ni Roque na humiling siya ng asylum sa The Netherlands bunsod ng umano’y nararanasang panggigipit sa kanya ng pamahalaan dahil isa siyang kaalyado ng mga Duterte.
Ayon kay DOJ acting Secretary Fredderick Vida, kung sakali man na mayroon nang aplikasyon ng asylum request si Roque, gagalangin nila anuman ang magiging desisyon ng bansa.
Samantala, umaasa naman ang kalihim na makauwi ng bansa si Roque sa lalong madaling panahon para harapin ang mga kasong isinampa laban sa kanya.
Sa kasalukuyan, nakansela na ang pasaporte ni Roque at nag-request na rin ang DOJ ng red notice laban dito.
Pero ani Roque, maghahain siya ng motion for reconsideration ukol dito. | via Alegria Galimba
