Boluntaryong humarap sa tanggapan ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si Caloocan City 3rd District Rep. Dean Asistio.
Humiling ng executive session si Asistio sa ICI upang maiwasan aniya ang judgement by publicity at ang sensitive information na maaari niyang masabi na hindi muna kailangang lumabas sa publiko.
Itinanggi naman ni Asistio ang mga alegasyon laban sa kaniya.
Samantala, hiling na Asistio na hintayin na lamang ang resulta sa isinasagawang imbestigasyon ng tanggapan ng ICI. | via Ghazi Sarip
