High level meeting ng apat na bansa para sa pagpapalakas ng seguridad

Nagpulong ang mga opisyal ng Philippine Army kasama ang Australia, Japan, at United States noong weekend para palakasin ang depensa sa Indo-Pacific. Ginanap ang high-level meeting sa Fort Bonifacio, Taguig noong Marso 1-2, na dinaluhan ng matataas na opisyal ng hukbo mula sa apat na bansa.
Ayon kay Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, tinalakay sa pulong ang pagpapalakas ng military exercises at interoperability. Binibigyang-diin ang importansya ng impormasyon at tiwala sa matagumpay na kooperasyon.
Muling tiniyak ng apat na bansa ang kanilang pagkakaisa sa pagpapalakas ng seguridad sa rehiyon. Ang susunod na pagpupulong ng CORE 4 ay gaganapin sa Hawaii sa Mayo 2025 upang ipagpatuloy ang pagpapalakas ng alyansa. – via Allan Ortega | Photo via Philippine Army

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *