Dumating si Rep. Juan Karlos “Arjo” Atayde sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) para sa pagdinig kaugnay ng umano’y anomalya sa P289.5-M flood control project.
Paglilinaw niya, hindi siya ipinatawag kusa siyang nagpunta.
Siya mismo ang sumulat sa ICI para makapagpaliwanag at harapin ang isyu nang diretsahan.
Sa ngayon, patuloy ang pagbusisi ng ICI sa proyekto, habang inaabangan kung ano pang mga pangalan ang lalabas sa imbestigasyon. | via Allan Ortega
