Passport nina Roque, Ong at 2 iba pa, kanselado na

Kinansela ng Pasig City Regional Trial Court ang mga pasaporte nina dating Presidential Spokesperson Harry Roque at Cassandra Ong, ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon.

Bukod kina Roque at Ong, kanselado rin ang pasaporte nina Ronelyn Baterna at Dennis Cunanan.

Ang mga ito ay nahaharap sa kasong qualified human trafficking kaugnay sa operasyon ng Lucky South 99, isang POGO hub sa Porac, Pampanga.

Bago nito, una nang naglabas ang Interpol ng red notice laban kay Ong habang humiling na rin ang Pilipinas sa Interpol ng red notice laban kay Roque.

Samantala, hinimok naman ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Polo Martinez na umuwi ng Pilipinas ang dating tagapagsaita ni Pangulong Rodrigo Duterte at harapin ang mga kaso laban sa kanya sa bansa. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *