Maaaring magdulot ng lahar o agos ng putik mula sa Bulkang Mayon ang malakas na ulan sa Bicol Region dulot ng Tropical Depression Verbena at shear line, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Posibleng magkaroon ng matinding pagdaloy ng putik sa mga ilog at drainage areas.
Dahil dito, mariing ipinapayo ng Phivolcs ang mataas na pag-iingat, kahandaan, at kung kinakailangan, pre-emptive evacuation sa mga komunidad na nasa panganib sa lalawigan ng Albay.
Maaaring makabuo ang matinding ulan ng life-threatening post-eruption lahars sa mga pangunahing kanal na dumadaloy mula Mayon dahil sa pagguho ng maluwag na materyal mula sa pyroclastic deposits ng 2018 at 2023 eruptions.
Ang mga pangunahing apektadong watershed ay Miisi, Binaan, Mabinit, Buyuan, Anoling, Matanag, Bonga, at Basud, pati na rin ang mga komunidad sa mga kanal na ito.
Ang mga lumang pyroclastic deposits sa southwestern slopes na patuloy na pagguho sa Masarawag at Maninila Channels at kalapit na creek ay maaari ring magdulot ng non-eruption lahars, na malubhang banta sa Guinobatan.
Pinapayuhan ng ahensya ang mga komunidad at LGU sa mga nabanggit na lugar na patuloy na subaybayan ang lagay ng ulan at magsagawa ng agarang hakbang para sa kaligtasan.
Ang Mayon lahars ay kilala sa kanilang lakas na makadala ng malalaking bato at graba, at patuloy na nagbabanta sa buhay at ari-arian sa pamamagitan ng pagbaha, paglubog sa putik, at pag-agos papuntang dagat. | via Allan Ortega
