Blue notice ng Interpol para kay Zaldy Co, inilabas na —DILG

Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Lunes na naglabas ang International Police Organization (Interpol) ng blue notice laban kay dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Cona inaresto ng Sandiganbayan dahil sa anomalya sa flood control project sa Oriental Mindoro.


Ani Remulla, “Ang blue notice ay nailabas na, puwede ring maglabas ng red notice, at saka natin matutukoy kung nasaan siya.”

Idinagdag niya na posibleng gumagamit si Co ng ibang pasaporte.


Ang Blue Notice ng Interpol ay humihiling ng impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan, lokasyon, o kilos ng isang tao kaugnay ng imbestigasyong kriminal.

Samantala, ang Red Notice ay pakiusap sa mga ahensiya ng pulisya sa mga bansang kasapi ng Interpol na hanapin at arestuhin ang tao para sa extradition o katulad na legal na aksyon.


Wala pang tiyak na impormasyon ang gobyerno kung nasaan ang dating mambabatas. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *