Kaso ng dengue sa Quezon City, lumampas na sa 10,000 —DOH

Umabot na sa 10,256 ang kaso ng dengue sa Quezon City mula Enero 1 hanggang Nobyembre 20 at 44 na ang nasawi, kabilang ang anak ni Jemma Almen na inakala nilang malusog hanggang bigla itong nagsuka at nag-seizure.


Pinakamaraming kaso ay mula sa Brgy. Batasan Hills (857 cases). Isa sa mga nakikitang dahilan ay ang nakatiwangwang na tubig na pinamumugaran ng lamok.

Ayon sa barangay, tuloy-tuloy ang search and destroy, pagtatanggal ng mga gulong sa bubong na naiipunan ng ulan, at pagtaob ng mga drum na may kiti-kiti.


Karamihan sa mga pasyente ay edad 1 hanggang 10.


Payo ng mga eksperto, panatilihing malinis ang kapaligiran, mag-adopt ng personal protection, at magpatingin agad kapag may lagnat, panghihina, pantal, pagsusuka, o pagdurugo ng gilagid.


Ayon sa DOH, bahagyang bumaba ang dengue cases nationwide nitong Oktubre pero wala pa ang datos para sa mga linggong apektado ng Bagyong Tino at Uwan.

Babala ng DOH huwag maging kampante. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *