Lacson, inalok na makiisa sa civil-military junta

Ibinunyag ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson na minsan na siyang inalok na mapabilang sa isang civil-military junta.

Ayon kay Lacson, may mga naghahangad ng Civil-Military Junta at ang ilan sa kanila ay mga retiradong opisyal ng military na lumapit sa kaniya ngunit hindi niya ito pinansin.

Dagdag pa nito, sa gitna ng krisis ay may mga taong aktibo ang imahinasyon ngunit hindi sila masisisi sa pag-iisip ng ganitong mga bagay dahil nagmumula ito sa pagnanais nilang baguhin ang sistema bunsod ng nakikitang pag-usobong ng korapsyon.

Samantala, tinanggihan din umano ng senador ang mga proposal gaya ng “transition council” at isang supposed military-backed “reset,” na itinuturing na unconstitutional ang mga ito. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *