Tinabla ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson ang mga panukalang lumulutang matapos ang iskandalong flood control corruption kabilang ang transition council at umano’y military-backed “reset” na tinawag niyang tahasang labag sa Konstitusyon.
Sinabi rin niyang inalok umano siya ng ilang retiradong heneral na sumali sa isang junta, pero tinanggihan niya ito.
Nanawagan si Lacson na panatilihin ang galit sa katiwalian pero huwag hayaang mauwi ito sa extra-legal na pagpapalit ng liderato.
Giit niya, malinaw ang Constitution: hanggang Speaker lang ang linya ng succession, kaya isinusulong niya ang “Designated Survivor” mechanism para humaba ang pagpila ng papalit kung sakaling may sabay-sabay na maupong lider ang mawala.
Binanggit din ni Lacson ang pakikipagpulong niya kay CBCP President Cardinal Pablo Virgilio David, at sinabing kapwa sila tutol sa marahas na solusyon.
Bilang “positive step,” tinukoy niya ang bagong arrest warrants laban kina dating kongresista Zaldy Co at iba pang sangkot sa anomalya, gayundin ang pagtutulungan ng Senate majority at minority para gawing mas transparent ang 2026 budget.
Nangako rin ang Blue Ribbon committee na ibibigay sa DOJ at Ombudsman ang ebidensiyang nakalap nila. | via Allan Ortega
