NCRPO, naka-full alert para sa mga protesta sa Nobyembre 30

Magpapatupad ng full alert ang National Capital Region Police Office (NCRPO) simula Biyernes dahil inaasahang mahigit 50,000 katao ang lalahok sa anti-corruption protests sa Nobyembre 30.


Ayon kay Maj. Hazel Asilo, tagapagsalita ng NCRPO, tututukan ng pulisya ang mga pangunahing lugar kasama ang AFP, MMDA, at mga lokal na pamahalaan.

May permit na rin ang Trillion Peso March Movement para magtipon sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.


Tiniyak ng NCRPO ang maximum tolerance upang mapanatili ang kaayusan.

Sa full alert status, bawal ang leave ng mga pulis maliban na lang kung emergency o may sakit.


Mas marami ring pulis ang ide-deploy kumpara sa rally ng Iglesia Ni Cristo noong Nobyembre 16–17, upang maiwasan ang kaguluhang nangyari sa Mendiola noong Setyembre 21.

Magkakaroon ng civil disturbance management, pati negotiating, monitoring, at arresting teams.


Nakapag-install na rin ng CCTV cameras para mas mabilis ang real-time monitoring at agarang pagresponde kung may biglaang pagdami ng tao.

Wala pang nakikitang banta, ngunit may posibilidad na may mga elemento umanong sumabay sa mga raliyista para manggulo, ayon sa NCRPO. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *