7 sa 16 na sangkot sa flood control scandal, naaresto na

Pito sa 16 indibidwal na may warrant of arrest ang nasa kustodiya na ng pamahalaan dahil sa pagkakasangkot sa maanomalyang flood control scandal sa Oriental Mindoro, ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon sa Pangulo, isa sa mga ito ay naaresto ng National Bureau of Inestigation (NBI) at ang anim naman ay boluntaryong sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Napag-alamang ang isang nahuli ng NBI ay hindi natagpuan sa kaniyang tirahan kaya’t paalala ng Pangulo, mananagot ang sinumang nagtatago o tumutulong na pagtatago ng mga ito.

Panawagan ng Pangulo sa lahat ng akusado ay sumuko na at huwag nang hintaying habulin pa ng mga awtoridad habang tiniyak naman ng Pangulo na walang special treatment ang mga nahuli. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *