Barangay Ginebra muling pinahiya ang NorthPort, 127-100, sa Game 3 ng kanilang serye sa PBA Commissioner’s Cup semifinals sa Smart-Araneta Coliseum.
Walang takas ang Batang Pier sa dominasyon ng Gin Kings, na ngayon ay isang panalo na lang ang layo sa finals matapos ang tatlong sunod na panalo.
Upang manalo sa serye, kailangang ulitin ng NorthPort ang milagro ng San Miguel Beermen noong 2015—isang napakahirap na hamon lalo’t nalugmok sila ng hanggang 38 puntos sa Game 3 at natalo ng average na 20.3 puntos sa unang tatlong laban.
Bida si Jamie Malonzo sa panalo ng Ginebra, bumalik sa porma mula sa injury at bumira ng 25 puntos at walong rebounds.
Isa na lang, Ginebra! Sweep na ba? – via Allan Ortega
Gin Kings, isang hakbang na lang sa finals
