Hinikayat ng Catholic Advocates for Responsible Electorate (CARE) ang mga mananampalataya na magkaisa na himuking ang mga opisyal ng pamahalaan na paigtingin ang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects sa bansa.
Sa pagdiriwang ng Feast of the Presentation of the Blessed Virgin Mary, inilunsad ng CARE ang “Prayer Warriors Against Corruption” campaign o panalangin tuwing alas-9:00 ng umaga para palakasin ang spiritual practice bilang adbokasiya sa mga komunidad na apektado ng substandard na mga proyekto.
Iniimbitahan naman ng CARE ang mga mananampalataya na maparehistro bilang “Prayer Warrior” sa pamamagitan ng kanilang QR code para makakuha ng rosary baller at corruption-themed chaplet.
Ang panalangin ay umiikot sa panawagang katarungan para sa mga pamilyang biktima ng matinding pagbaha, mga tiwaling opisyal at para sa maayos na pamamahala sa bansa.
Ayon sa CARE, ang kampanyang ito ay hakbang para magkaroon ng isang tinig ang pananampalataya. | via Alegria Galimba
