Alice Guo, naghain ng mosyon para manatili sa Pasig City Jail

Humiling ang kampo ni dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping na manatili muna ito sa Pasig City Female Dormitory Jail nitong Huwebes, November 20.

Nakatakda sanang ilipat si Guo sa Correctional Institution for Women sa Mandaluyong CIty matapos itong mahatulan ng guilty sa kasong qualified human trafficking ng Pasig RTC Branch 167.

Naka-schedule naman ang pagdinig sa mosyon na inihain ng kampo ni Guo sa November 26.

Bukod kay Guo, may pitong iba pa ang nahatulang guilty dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking sa Baofu compound.

Pinatawan ang mga ito ng life imprisonment at multang aabot sa P2 million.

Noong 2024, nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad sa Bamban, Tarlac kung saan nadiskubre ang illegal POGO hub. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *