Inihayag ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. ang commitment ng administrasyon na tutuparin ang mga obligasyon ng pamahalaan hinggil sa nilagdaang mga peace agreements.
Nanindigan ang OPAPRU na ibibigay ang mga deliverables na kinakailangan sa ilalim ng kasunduan alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Tiniyak ito ni Galvez noong inilunsad ng Joint Normalization Committee ang coffee table book na Metamorphosis: A Decade’s Journey to Peace” na naglalahad ng 10 taong milestones, aral at progreso sa ilalim ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB).
Pag-alala rin ito umano sa dekada ng paglalakbay ng mga Bangsamoro patungo sa katarungan at kapayapaan. | via Ghazi Sarip
