Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isusumite ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Office of the Ombudsman ang lahat ng ebidensiya kaugnay ng umano’y iregularidad sa mga flood control project.
Sa isang video message, sinabi ng Pangulo na kasama sa mga iniimbestigahan ang mga natuklasang ebidensiyang umano’y nagdidiin kina dating House Speaker Martin Romualdez at nagbitiw na Ako Bicol Rep. Zaldy Co.
Giit niya, tuloy-tuloy ang pag-uulat sa publiko tungkol sa mga problema sa flood control projects.
Ayon kay Marcos, posibleng masampahan ng plunder, anti-graft, o indirect bribery ang dalawang mambabatas sakaling suportado ng matibay na ebidensiya.
May tiwala rin umano siya na magiging patas si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa paghawak ng kaso. | via Allan Ortega
