Nagpahayag ang National Unity Party (NUP) ng “matinding pagdududa” sa mga paratang ni dating party-list lawmaker Zaldy Co na umano’y may P100-bilyong budget insertions na iniutos daw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ni dating Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa NUP, “malaking posibilidad” na nagsisinungaling si Co dahil ang kanyang mga pahayag ay walang ebidensya, hindi ginawa sa ilalim ng panunumpa, at inihayag pa habang siya ay nasa abroad at umiwas sa imbestigasyon.
Giit ng NUP, dapat magpakita si Co sa tamang awtoridad, magsalita sa ilalim ng panunumpa, at magpakita ng konkretong patunay at ebidensiya kung nais niyang paniwalaan ang kanyang mga akusasyon.
Anila, sa halip na sagutin ang kanyang sariling pananagutan, tila “nagtatapon ng sisi” lang si Co.
Hinimok ng NUP ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na ituon ang imbestigasyon sa mga alegasyong may sapat na basehan at maaaring mapatunayan. | via Allan Ortega
