Marcoleta, hindi nagdeklara ng campaign donations —Comelec

Hihingian ng paliwanag ng Commission on Elections (Comelec) si Senator Rodante Marcoleta bunsod ng hindi nito pagdeklara ng campaign donations noong midterm polls sa kanyang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

Ani Comelec Chairperson George Garcia, may show cause order na silang pinadala sa senador kaugnay sa usaping ito.

Nagdeklara ang senador ng P112,857,951.44 expenditures o nagastos sa kanyang pangangampanya.

Batay sa kaniyang SOCE, wala siyang natanggap na anumang cash at in-kind contribution para sa kanyang kandidatura. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *