League of Cities of the Philippines, suportado ang pamumuno ni PBBM

Muling tiniyak ng League of Cities of the Philippines ang buong suporta nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sinabing solid ang pagtindig ng mga lungsod sa kanyang mandato at direksyon ng pamamahala.


Ayon sa liga, kasama sa kanilang suporta ang pagpapalakas ng lokal na pamahalaan sa larangan ng imprastraktura, edukasyon, at serbisyong pangkalusugan, pati na ang pagtutok ng Pangulo sa transparency at accountability.


Dagdag pa nila, patuloy ang commitment ng mga city government na paglingkuran ang kanilang mga komunidad at iayon ang kanilang mga programa sa mga prayoridad ng administrasyon.


Tiniyak din ng liga na nakatuon ang kanilang mga miyembro sa pagtulong na buoin ang isang makatarungan, mas maunlad, at matatag na bansa. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *