Paalala mula sa NLEX Corporation

Naglabas ng abiso ang NLEX Corporation para sa inaasahang mabigat na trapiko sa darating na BLACKPINK Deadline World Tour na gaganapin sa Philippine Arena ngayong Nobyembre 22 at 23, 2025, mula 12:00 PM hanggang 10:00 PM.


Inaasahang siksikan ang daloy ng sasakyan sa paligid ng venue. Pinapayuhan ang mga motorista na mag-load na ng RFID at planuhin nang maaga ang biyahe.


Para sa mga manonood ng concert, NLEX Ciudad de Victoria exit ang inirerekomenda. Samantala, ang mga biyaheng papuntang Bocaue o Santa Maria ay maaaring dumaan sa Marilao, Bocaue, o Tambubong exits bilang alternatibong ruta.


Magkakaroon din ng traffic personnel sa mga pangunahing lugar ng NLEX upang magbigay ng tulong at gabay sa motorista. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *