LMP, naglabas ng manifesto of support kay PBBM

Inilabas ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) ang isang Manifesto of Support bilang patunay ng kanilang suporta sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa kanyang bisyon para sa Bagong Pilipinas.


Ayon sa LMP, ang mga “current political noise at internal friction” ay hindi kailangang abala na nakakaantala sa mabilis at epektibong serbisyo publiko. Binanggit sa manifesto na ang anumang banta sa katatagan ng Tanggapan ng Pangulo ay banta rin sa kapakanan at progreso ng bawat munisipyo.


Ani LMP National President Mayor Faustino “Inno” Dy V, pinirmahan ng kanilang mga provincial presidents ang manifesto dahil nakikita nila ang progreso sa lokal na pamahalaan at nais nilang mapanatili ang momentum sa serbisyong publiko.


Nanawagan ang LMP sa lahat ng sangay ng gobyerno na magpakita ng propesyonalismo, pagtutulungan, at pagpapahalaga sa serbisyo publiko, habang patuloy na tinutuligsa ang katiwalian.

Pinanatili ng LMP ang pagkakaisa at hinihikayat ang lahat ng Pilipino at lingkod-bayan na sumuporta sa konstitusyonal na pamumuno para sa maunlad at matatag na Pilipinas. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *