Handa na sanang pumirma ang Ukraine sa isang kasunduan sa mineral resources kasama ang U.S., ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky nitong Linggo. Pero naudlot ang deal matapos ang mainit na sagutan nila ni dating U.S. President Donald Trump sa Oval Office.
Sa kanilang pulong, pinagsabihan ni Trump si Zelensky na dapat itong maging mas “thankful” sa tulong ng Amerika at sinabing kung walang suporta ng U.S., matagal na raw na-conquer ng Russia ang Ukraine. “You’re either going to make a deal or we’re out,” banta pa ni Trump.
Dahil dito, hindi natuloy ang pagpirma sa minerals deal na sana’y parte ng post-war recovery ng Ukraine. Umalis na lang si Zelensky sa White House, kanselado ang kanilang joint press conference.
Samantala, nagpakita ng suporta ang mga European allies ng Ukraine sa isang summit sa UK, kung saan tinalakay ang posibleng pagbuo ng isang koalisyon para protektahan ang anumang ceasefire laban sa Russia. – via Allan Ortega | Photo via ibtimes.sg
Zelensky, hindi nakapirma sa minerals deal dahil kay TrumpPHOTO: ibtimes.sg
