Kuryente sa 4M na imprastrakturang hinagupit ng bagyo, naibalik na

Naibalik na ang kuryente sa 4 milyong kabahayan at negosyo sa 4.8 milyong imprastrakturang naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Tino at Uwan kamakailan.

‘Yan ang inanunsyo ng Department of Energy (DOE) kaugnay ng nagpapatuloy na na 24/7 power restoration bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay Energy Secretary Sharon Garin, naging matagumpay ang pag-aayos ng mga critical energy infrastructures sa iba’t ibang rehiyon kabilang ang mga planta ng kuryente gaya ng Sabangan Hydroelectric, GIFTC2 Biomass, at Morong Solar.

Dagdag pa rito, naibalik na rin ang mga transmission lines sa Catanduanes gaya ng Virac-Codon at Virac-San Miguel.

Sa ngayon, target ng DOE na maibalik na rin ang kuryente sa natitirang 800,000 na mga imprastraktura sa mga susunod na araw. | via Ghazi Sarip

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *